Yassi Pressman, sumagot na sa isyung Nadine Lustre-James Reid-Issa Pressman

Hindi nakaiwas sa matitinding tanungan ang multi-talented Viva arist na si Yassi Pressman kanina sa presscon ng bago niyang palabas.

“Isang beses ko lang po ito sasabihin: Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okay po kami,” matapang na pahayag ni #YassiPressman sa presscon ng kauna-unahan niyang comedy series na #Kurdapya na napapanood na sa TV5.

Hindi nag-alangan si Yassi na harapin ang paksang ito nang mabuksan ni Rose Garcia ng Pep.ph.

Panoorin ang bahagi ng panayam dito: https://www.facebook.com/reel/597369658938186/?s=single_unit

“Okay rin po yung buong pamilya namin, at siyempre po, bago po nag-public ang lahat [sina #IssaPressman at James], lahat po [ay] naasikaso in private.

“So lahat po, walang problema. And [Nadine and I] are cool; we’re friends. We’ve been friends ever since we were kids. Kaya naman, lahat po, okay po. Saka, ilang taon na rin po. Kaya, ayun, sana everyone lets everyone be happy.”

Nang matanong naman siya kung nag-usap na ba sila ni #NadineLustre, ito ang pahayag niya:

“Sabi ko, ‘Uy, girl, nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao.’ She said, ‘Sorry to hear that. I hope you’re feeling better.’ Kasi yun po yung talagang totoong magkaibigan.”

Sa usapin naman tungkol kay #JamesReid, sinabi niyang okay rin silang dalawa.

“Nagulat lang din po ako, siyempre. Sabay-sabay po tayo [na nagulat].

“Nung sinabi po yun sa ‘kin recently, hinayaan ko na lang din pong magdesisyon yung mga tao because they’re old enough naman to make their own decisions na rin po e! 

“Saka lahat po ng tao may choice at kung wala naman pong ibang taong tinatapakan at everybody’s not doing anything wrong, feeling ko, wala naman pong problema.”

Kasama ni Yassi sa presscon ang iba pang cast members ng #Kurdapya kabilang na sina Marco Gumabao, Ryza Cenon, at Nikko Natividad. 

Ang 13-episode na serye ay idinirehe ni Easy Ferrer na may 4-part serye din sa Vivamax — ang Stalkers na pinagbibidahan ni Wilbert Ross.

Mapapanood ang Kurdapya tuwing Sabado, (6pm to 7pm), sa TV5. May catch-up screening din sa Sari Sari Channel (Available on Cignal Ch. 3) tuwing Linggo, (8:00 pm).

Leave a comment

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑