“Gipitan, hinaharang”: Sam Verzosa reveals charity efforts in Manila being blocked

Sam “SV” Verzosa continues to demonstrate his dedication to uplifting the lives of Manila residents through various charitable initiatives. Recently, he visited the Baseco Compound, where he provided food, medical assistance, and livelihood support to over 8,000 families in need.

However, SV revealed that his efforts to provide assistance have encountered several obstacles. “Ito na po yung klase ng politika na nangyayari sa Maynila e – gipitan, hinaharang.

“Nakita n’yo naman po, walong libong pamilya yung nag-aantay sa atin, pero hinaharang tayo, last minute. Ito po yung gusto nating baguhin. Kasi nakakuha na kami ng permit, tapos ngayon na nandito na tayo, bababa na tayo, maghahatid tayo ng tulong, haharangin po tayo.

 “This is the exact reason kung bakit po tayo tumatakbo. Para matigil na po ito. Kasi ang nakikinabang lang yung mga opisyales e. Paano naman yung taong bayan na matagal ng nag-aantay ng pagbabago? Sabik na ho sila sa pagbabago e. Kaya ako nandito kasi sila yung nanawagan na ‘Bumaba ka naman sa Baseco. Iniikot mo na yung Maynila.’ So ngayon po walong libong pamilya nag-aantay.”

Despite these difficulties, Verzosa expressed gratitude for the support from volunteers and local authorities, which ultimately helped the outreach event push through. “Gusto ko pasalamatan yung mga sumoporta, mga kapulisan, volunteers. Finallly kahit hinaharang ay matutuloy pa rin po tayo,” he noted.

The growing support for Verzosa’s initiatives reflects the public’s desire for change “Ngayon po palakas po tayo nang palakas. Nakikita n’yo naman, bawat lapag natin, libo-libong tao po nagkakagulo. Sabik na sabik na talaga sila sa pagbabago. At yan po ang mismong gagawin natin sa Maynila. Tunay na pagbabago. Serbisyo diretcho sa tao,” Verzosa said.

He also emphasized his mission to ensure that public funds directly benefit the people, stating, “Sisiguraduhin lang naman natin na mapunta yung pera ng taong-bayan sa mga tao e. Kasi for the past 20 years, sa mga nakaraang namumuno, wala hong nangyari sa buhay nila. Puro pangako. Ngayon mas dumami pa ho yung mahihirap.

“…Ako nandito ho para magdala ho ng tunay na pagbabago. Pinapakita ko na sa kahit sarili kong bulsa ay kaya kong ibigay yung mga serbisyo na ‘to what more pag nando’n na po tayo sa city hall.”

Verzosa also expressed frustration at repeated attempts to obstruct his charitable efforts. “Actually, ini-expect ko na yan e. Ilang beses na po kaming naharang. Kaya nga ho nasa kalye kami e kasi bawal na rin kaming gumamit ng kahit anong covered court. Hinaharang kami sa bawat barangay. Ginagamit nung mga nakaraang administrasyon yung impluwensya nila sa mga kapitan para hindi tayo makababa. Pero sabi ko nga e, walang makakapigil.

“Katulad niyan, lalabas mismo yung tao. Pag kami bumaba, sangkatutak na mga truck natin – SV mobile clinic, Serbisyo Vans. Dadalhin natin ang serbisyo diretso sa tao. Walang makakapigil sa atin.”

Verzosa also mentioned that his long-standing commitment to charity is only strengthened by these challenges. “Matagal na nating ginagawa ‘to. Mahigit 10 taon na tayong nagbibigay ng tulong at lalo nating itotodo. Sa kakapigil nga nila mas nanggigigil akong tumulong pa e.

“Sabi ko mas bibigyan ko ng negosyo ‘tong mga tao, trabaho, masasarap na ayuda.”

He relates this approach to his personal journey, where he used business and entrepreneurship to elevate his own life circumstances.

His ultimate goal is to empower Manileños to uplift themselves through similar opportunities. “Gaya ng istorya ng buhay ko, na ginamit ko yung negosyo, kabuhayan, para maiangat ko yung sarili ko, gano’n din ang gagawin ko sa mga Manilenyo.”

Verzosa also discussed his upcoming trip to New York to run in the marathon for Smile Train Philippines, a charity that provides cleft palate surgeries for children.

“Aalis ako next week just to run for the New York marathon. I’m running for a charity. May mga papaoperahan tayong mga bata. Mahigit 100 bata for Smile Train Philippines.”

Anticipating criticism of his trip, he clarified, “I’m sure gagamitin yan against sa akin, sasabihin nagbabakasyon kami [at] nagpapasarap kami. I’m running for a charity.”

He closed with a reflection on his commitment to Manila’s communities. “Ginagawa na natin yan ilang taon na. Ipagpapatuloy ko pa rin. Pagkatapos ng marathon balik ulit ako dito para tumulong. Mahirap kasi na …ibahin yung narrative e!”

Read more about his efforts in Manila:

Leave a comment

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑