Grand premiere night ng ‘Kampon,’ nagpasigaw sa audience

Marami ang nakapansin ang kakaibang atake sa horror ng #KamponMoviePH.

Maraming eksena ang nagpatili, nagpasigaw, at nagpagulat sa mga nakanood.

Pansin na pansin din ang hindi matawarang galing sa pag-arte ng mga bida nito: ang nagbabalik-pelikulang si #DerekRamsay na sobrang tikas at handang-handa sa kahit anong ipinagawa sa kanya at si Beauty Gonzalez na napakahusay (may salita man o kahit mata-mata lang) sa kanyang kauna-unahang pagkakabilang sa #MMFF.

Si Zeinab Harake naman ay may ibubuga na rin sa big screen, gawa ng karisma at angking ganda nito, bagamat unang proyekto pa lamang niya ito.

Check out these snaps from the red carpet premiere night here:

At sino ba naman ang makakatanggi sa mapang-akit (at nakakatindig-balahibo) na child star na si Erin Espiritu, sa papel ng isang batang hindi mo basta-basta dapat papasukin sa buhay mo. Sa totoong buhay, may alam na ang chikiting sa pagsagot, kahit pa hindi siya nakanood ng advance screening gawa ng R-13 rating nito mula sa MTRCB.

Maging ang ibang supporting cast ay umangat din. Halimbawa, si Nico Antonio ay sadyang may alam sa kanyang karakter at may isang eksena pa sa pelikulang mas mapapa-wow ka sa ginawa niya.

Isang pagpupugay naman sa malikhaing pagsulat ni Dodo Dayao at sa kabilib-bilib na direksyon ni King Palisoc upang maiangat ang antas ng panonood lalo na sa kababalaghan at hindi ordinaryong mga nilalang.

Check out these snaps from the grand premiere night of #Kampon, an official entry to the 2023 Metro Manila Film Festival from Quantum Films.

Starring Derek Ramsay and Beauty Gonzalez. Introducing Zeinab Harake with Erin Espiritu. Written by Dodo Dayao and directed by King Palisoc.

Leave a comment

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑