‘Broken Hearts Trip’ review: Para Sa In Love Man o Hindi

Ang simpleng reality competition para sa brokenhearted, naging komplikado hindi lang para sa mga contestant kundi pati na rin sa mismong host nito. Ganyan ang naging sitwasyon sa kuwento ng #MMFF2023 entry na #BrokenHeartsTrip sa pangunguna ng napakahusay na si Christian Bables. May kurot ang mga hugot niya at damang-dama ang bawat eksenang kasama siya. Ilang beses na rin natin siyang nakita sa iba’t ibang role na pang-festival kaya naman parang sariwang hangin na host naman siya sa isang reality show-in-a-movie type ng project.

Panalo rin ang mga katatawanang eksena kasama sina Teejay Marquez, Marvin Yap at Direk Andoy Ranay, lalo na ang natural na pagpapatawa nina Iyah Mina at Petite. Masarap silang makitang magkakasama sa big screen. Pagdating naman sa pagwapuhan, hindi nagpahuli sina Ron Angeles, Tyler Gaumer, at Jay Gonzaga na may mga pasabog sa kanya-kanyang kuwento ng pag-ibig.

Check out these snaps from the red carpet premiere of ‘Broken Hearts Trip’ here:

Bilang mga “Judger” ng competition, nagmarka rin ang papel nina Tart Carlos at Cannes Best Actress Jaclyn Jose na todo-todo ang pag-costume sa bawat episode ng show.

May balanse ang halakhakan at kadramahan sa pelikula sa panulat ni Archie Del Mundo ng isang kuwento ni Lex Bonife at sa tulong ng mainam na direksyon ni Lemuel Lorca.

Kung hanap ninyo ang ganito kakulay at kasayang palabas ngayong MMFF sa mga sinehan, panoorin ang Broken Hearts Trip simula ngayong December 25 sa mga sinehan sa buong bansa.

Maraming salamat sa BMC FILMS at Smart Films sa pagbuo ng pelikulang may puso at busog sa katuwaan at saysay.

Leave a comment

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑